Friday, September 19, 2008

APPLE BOTTOM JEANS

Okay so matagal tagal na din akong hindi nakaka-update sa blog na 'to. So anyway. So sige mag kukuwento ako.

O, August 11, Birthday ko. Mga alas-diyes na ng gabi, gumagawa pa rin ako ng isang school work. Yung sa English pa nga ata yun eh. Tas yun, naabutan ko ang 12mn. Eksaktong birthday ko. O, wala naman. Parang osige, 'Happy Birthday Abbie 16 ka na' sabay tuloy pa rin sa pag gawa ng English paper. Ka-chat ko pa nga sila sa Bonsee at Soli nun. Nag uunahan pa silang bumati sakin. Hahaha. O, anyway. Ode yan, gawa pa rin ako sa Microsoft Word. Eh biglang may nag text, so malamang tinignan ko. Aba! Pagkatingin ko, yung least na ineexpect kong mag ggreet sakin, nag greet sakin! Expect the unexpected nga naman diba :) Eh kasi naman akala ko kinalimutan na niya ako eh. Pasalamat naman ako sa Diyos diba :) So yun. Madaling araw--nag mass kami ng nanay at tatay ko sa St.Claire yung sa may Katipunan. Tas late na ako nakadating sa school. Una kong nakita sila Aika at Gean ata so sumama ako sa kanila (may something kasi nun sa tent eh. Yung sa Paul!Paul! ata) Tas nakita ko na si Sarah Fabie na late din so classmate ko siya, sumama ako sa kanya. Tas nakita namin yung class namin ABA! Hindi man lang ako binabati so sige salamat. Buong time sa Tent naiinis ako kasi hello sarap sabihin 'BIRTHDAY KO KASE NGAYON, BATIIN NIYO NAMAN AKO NO!' tas wait!!! Kiniss ako ni Thalia nun :"> deep inside kinikilig ako pero hindi talaga so umakyat na kami. Si Kate nag pasama sakin sa washroom. Sama naman ako sa kanya. So yun, nung papunta na kami sa classroom, naisipan ko muna na hindi pumasok, may kinuha ako sa locker ko. Tas parang si Kate 'Abbie! Halika na!' ode pumasok na ako. First subject namin Chem so si Ate Kat yung teacher. Siya una kong nakita sa classroom. Binati niya agad ako, nag thank you naman ako. Tas nung kinda nag lalakad na ako papunta sa place ko, parang sila "HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!" kumakanta sila ng pagkalakaslakas! Parang ako 'Langya kayo di niyo man lang ako niggreet kanina!!!!!!! :(' so yun pag dating ko sa chair ko ang daming regalo :"> kumakanta pa rin sila nun tas lumapit si Thalia sakin, may dalang isang can na cute tas sabay sabi "Happy Birthday, HD" tas nag hug kami sabi ko thank you.

BLAAAAAAAH.

*TO BE CONTINUED

No comments: